dapat
Sunday, April 23rd, 2006dapat nakangiti ako ngayon,
dapat humahalgalpak sa tawa animo’y walang problema sa mundo.
dapat masayang musika ang himig ko,
dapat nanggagalaiti na ang ugat sa leeg ko kakakanta.
dapat may ningning sa mga mata ko,
dapat don pa lang malaman nang masaya ako.
dapat ganon e,
dapat…
kaya lang hindi.
nakakapagod nang umasa sa dapat.